ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
AFC Nagwagi sa 1st Bravo Migrant Contest

By Galilea on 5:21 PM

Filed Under:

By Rachel Pangga


Sa kauna‐unahang pagkakataon ay nagkaroon ng paligsahan sa pagsayaw ang Ansan City Hall para sa mga dayuhang manggagawa na ginanap noong nakaraang ika‐8 ng Hunyo ng taong kasalukuyan. Ito ay tinawag na 1st Bravo Migrant Contest kung saan mahigit labing‐walong grupo mula sa iba’t‐ibang bansa ang lumahok. Isa ang AFC Dance Troop sa dalawang grupong lumahok mula sa bansang Pilipinas. Buong husay nilang ipinakita ang galing sa pag‐indak sa isang katutubong sayaw ng mga kapatid nating muslim na tinatawag na “Singkil”. Kanilang pinahanga ang mga taong naroon sa Dalmaji Theater kung saan ginanap ang paligsahan. Maging ang mga hurado at katunggalisa nasabing kompetisyon ay pinabilib ng AFC Dance troop sa kanilang husay at makulay na kasuotan at kagamitan. Tinanghal na pinakamagaling ang AFC Dance troop sa lahat ng sumali. Kanilang inuwi ang First Prize na nagkakahalaga ng 1 milyon won habang pumangalawa naman ang isa pang grupo ng mga Pilipina na Pearl of the Orient para sa kanilang “Sayaw sa Banga”. Sa ngayon ay abala ang AFC Dance Troop sa kanilang pag‐eensayo para muli nilang ipakita ang galing sa pagsayaw sa mga iba’tibang inbitasyon kanilang natatanggap.

0 comments for this post