ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
AFC Nakipagdiwang sa Independence at Migrant Workers day!
By Galilea on 5:25 PM
Filed Under:
By Rachel Pangga
Nakipagdiwang ang Ansan Filipino Community sa pangunguna ni AFC Pres. Kathlia De Castro kasama ang ilang miyembro ng iba’t‐ibang samahan dito sa Ansan sa magkasabay na selebrasyon ng ika‐13 taon ng Migranteng Manggagawa at ika‐110 taong Arawng Kalayaan ng Pilipinas. Ito ay ginanap sa malawak na Hangang Park, Seoul noong June 08, 2008. Ang nasabing programa ay binuo ng Embahada ng Pilipinas sa pangunguna ng bagong ambassador na si Atty. Luis Cruz. Nagkaroon muna ng banal na misa bandang alas‐9 ng umaga at kasunod nito ay isang simpleng programa na nagbigay saya sa lahat ng dumalo. Dumagdag din sa saya ng programa ang 2 artistang naimbitahan ng embahada sa tulong na rin ng mga sponsors. Sila ay sina Geneva Cruz at Pretty Trishzsa. Idagdag pa dito ang sikat na mang‐aawit ng Korea na si Chung Dong Ah. Naging bahagi rin ng nasabing programa ang AFC Dance Troop kung saan kanilang sinayaw ang “Bulaklakan” na isang folk dance ng Pilipinas. Dito ay nagkaroon ng munting paligsahan para sa may pinakamagandang booth na nilahukan ng iba’t‐ibang grupong naroon. Tinanghal na pinakamaganda ang booth na pag‐aari ng AFC. Tinanggap ni AFC Pres. Kathlia ang plake mula kay Ambassador Atty. Luis Cruz bilang premyo sa nasabing patimpalak.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post