ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
SABI NA

By Galilea on 6:07 PM

Filed Under:

By Taba at Soy



Sabi na, mamahalin mo rin ako
Halata ko yan sa bawat titig mo
Oh ano, sabi na’t bibigay ka rin
Kahit noon panay ang iwas sakin

Sabi mo pa nga wala kahit konti
Feelings mo sa akin zero palagi
Kahit mabigo, tuloy pa rin ako
Ipaglalaban, lubos na pagibig ko

Sabi ko, ikaw nga’y para sa akin
Sa Diyos noon aki’y dinadalangin
Para sayo, kahit ano’y gagawin
Makuha ko lang iyong pagtingin

At ngayon mahal ko ika’y akin na
Hinding‐hindi na pakakawalan pa
Katuparan ng mga pangarap ko
Isang panaginip na nagkatotoo

Mga pangako ko sayo’y tutupdin
Tunay kong pagibig, iyong lasapin
Pagsisilbihan ka habang may buhay
Hangga’t puso’y may tibok pang taglay

Kapit mahal ko yakap ng mahigpit
Lumipad tayo sa rurok ng langit
Mula ngayon at magpakailan man
Tayong dalwa’y, wagas na magmamahalan

Di ako nagkamali, totoo nga
Naramdaman ko na, nong simula pa
Mahal ko, Ikaw lang wala ng iba
Ang para lang sa akin, Sabi ko na…

0 comments for this post