ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
PANGASINAN WAVES muling tinanghal na KAMPEON sa nakaraang 2008 AFC BASKETBALL LEAGUE

By Galilea on 5:41 PM

Filed Under:

By Amiel Ferrer

Naging matagumpay ang nakaraang AFC Basketball Championship Game na ginanap noong July 20, 2008 sa Choji High School kung saan nagwagi ang Pampanga Brothers para sa ikalawang pwesto kontra sa Mexican Team na nasa ikatlong pwesto lamang sa first game. Naging maaksyon din ang laro ng dalawang koponan mula sa Batangas Blades at Pangasinan Waves na naglaban para sa titulo ng nakaraang torneyo. Tila see‐saw ang naging puntos ng dalawang koponan na tila ayaw magpadaig sa isa’t‐isa. Ngunit hindi naman nagpatinag ang Pangasinan Waves na muling tinanghal na kampeon ng nasabing paliga. Matatandaan na ang Pangasinan Waves ang may hawak ng titulo bilang kampeon noong nakaraang dalawang taon. Inokupa naman ng Batangas Blades ang 1st place matapos matalo ng Pangasinan. Nagkaroon din ng 3‐points shoot‐out game na nilahukan ng mga manlalaro mula sa iba't‐ibang koponan at mula sa manonood. Nasungkit ni Jessie Mangulabnan ang trono mula kay Jun Tapaoan na may hawak ng titulo bilang pinakamagaling na 3‐points shooter. Iginawad naman ang Sportmanship Award sa koponan ng Kabayan Cargo Team dahil sa galing at pagpapakita nito ng mabuting asal habang nasa loob ng court. Si Erwin Delos Reyes ang tumanggap ng award bilang Rookie of the Year at Best Point Guard naman si Ranulfo Agcang Jr. na parehong mula sa koponan ng Mexican. Para naman sa Mythical Five nakuha ni Rommel Lumanog ng Pampanga at Bangs Musngi ng Batangas Blades ang award bilang Best Forward at Best Power Center naman si Ronald Montero habang Best Off‐Guard naman si Camat na parehong mula sa Pangasinan Waves. Best Coach ang award na inuwi ni Gil Collado dahil sa pagkapanalo ng koponan nito sa torneyo bilang Kampeon ngayong taon.

Ang naganap na paliga ay isang paraan lamang ng AFC at Galilea upang muling mapagbigkis ang mga Pilipino sa ating komunidad at karatig‐lugar. Nagpapatunay lamang na buo at nagkikiisa ang lahat dahil sa naging tagumpay ng nasabing paliga. Nakitaan din ng suporta ang lahat hindi lamang mula sa mga manlalaro kundi maging sa mga manonood. May natalo man sa paliga ay mananatiling panalo pa rin ang lahat sa larangan ng PAGKAKAISA.

0 comments for this post