ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
Summer Camp 2008
By Galilea on 5:45 PM
Filed Under:
By JC Mante
Sa tuwing sasapit ang summer dito sa Korea, kapanapanabik at kaabang‐abang kung kailan,saan at ano ang maaring gawin sa isang linggong bakasyon na ibinigay ng ating mga kumpanya. At nakagawiaan na ng mga Ansan Filipino Community, kasama ng Galilea, na magkaroon ng Summer Camp para sa isang linggong bakasyon.
Ngayong taon, ang Ansan Filipino Community at Galilea ay pinili ang Anmyeondo Beach saSouth Korea para sa summer camp. Masasabing ang lugar napakaganda at tamang tama para makapag‐enjoy at maka‐relax mula sa pagkakapagod sa trabaho. Unang linggo palang ng Hulyo ay abala na ang ilan sa mga AFC volunteers para bisitahin ang lugar para siguraduhing ito’y ligtas at maayos. Isa rin itong paboritong lugar nga mga taga‐AFC tuwing sasapit ang summer. August 1 – 3 ang napiling petsa ngayong taon para sa Summer Camp na may temang: "Let's Go and have fun...feel the summer at Anmyeondo,South Korea..”
Ang Anmyeondo ay tatlong oras from Ansan, kaya gabi palang ng August 1 at mga 9pm nag biyahe na ang mga participants lulan ng tatlong bus, Alas‐dose na ng gabi dumating ang mga participants sa venue na kaagad namang pinaunlakan ng mga naunang mga AFC volunteers para ituro sa kani‐kanilang mga silid at pagkatapos ay sama‐samang pinagsaluhan ang masarap na hapunan na hinanda para sa kanila. Bilang panimulang programa sa gabing yon, sinindihan na ng mga ilan sa AFC volunteers ang bonfire na siyang highlight ng gabing iyon kasabay ang munting sorpresa para sa ika‐46 na kaarawan ni Sis. Maria. Umabot na ng umaga ang kasiyahan.
Tuloy‐tuloy ang kasiyahan sa umagang yon. Madaming laro ang inihanda ng mga AFC volunteer na nilahukan ng apat na team. Family team A, B, C and D. Bawat team ay may 10 kalahok. Ang ilang laro ay tulad ng relay games (mungo, kamatis, chopstick and ball relay), lawn mower at ang higit na nagpasaya sa lahat ay ng nagpakitang gilas ang mga kalalakihan sa larong “Maria went to Anmyeondo” na kung saan sila’y magbibihis at kikilos ng isang tunay na babae sa kabila ng kanilang kakisigan. Maganda naman ang kinalabasan ng laro. Sa kabuuan ng laro ay nanguna ang Team C, pangalawa ang Team A, sumunod ang Team B at huli ang Team D.
Tawanan, kantiyawan, at may pikunan pero ang lahat ay umuwi din sa kasiyahan. Nang gabi din na iyon, tuloy pa rin ang kasiyahan at hindi inalinta ang buhos ng ulan.
Nung sumunod na araw, ginanap ang misa na pinangunahan ni Fr. Kristianus kasama ang dalawang bisitang pari. Pagkatapos ng misa, ang ilan ay tumungo sa dagat para magbabad at sulitin ang natitira pang oras. Ang lahat ay nag‐enjoy sa bakasyon. May ilang nabitin at ang iba nama’y sobrang napagod. “It’s a memorable and fascinating experience” wika nila.
In behalf of AFC and GALILEA, kami po ay taus‐pusong nagpapasalamat sa mga taong nakilahok lalo na po sa mga dayo na nagpaunlak ng kanilang oras at panahon para sa pagdiriwang ito. See you all on the next summer camp! Mabuhay po kayong lahat!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post