ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
PILIPINO KONTRA PILIPINO
By Galilea on 4:10 PM
Filed Under:
By Billy Vela
Nitong mga nakaraang buwan ay nagkalat ang mgaitinuturing na kalaban ng ating mga kapatid nailigal ang pamamalagi dito sa Korea. Kaya namanlahat sila ay buong ingat na nagtatago sa mga ito.Marami sa kanila ay nadampot mula sa kanilangmga pinapasukang kumpanya at ilan naman ayhabang bumibili ng kanilang mga pangangailangan sa pang‐arawaraw.Sa ganitong pagkakataon ay masasabi nating hanggang doonna lang talaga ang kanilang paninirahan dito sa Korea. Lahat silatanggap ang nangyari at batid na oras na upang bumalik at makapiling ang kanilang mga pamilya. Ngunit paano haharapin ngmga kapatid nating iligal ang kanilang kapalaran na kung sakalingsila ay mahuhuli dahil sa mga sumbong ng mga taong ginagamitang kanilang “alien card” bilang tsapa kontra sa mga iligal nanaririto. Hindi lamang mga EPS workers o mga legal ang gumagawang ganito. May mga pagkakataon na iligal kontra sa kapwa iligal.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng tatlong kaso ang natatanggap ng Galilea na may kaugnayan sa pagsusumbong. Isa dito, ayon sa impormasyon na natatanggap ng Galilea ay nais maghiganti ng ilang kababayan natin sa kanilang amo dahil sa hindi sila pinapasahod ng tama sa oras at iba pang dahilan. Dahil puno ng galit ang dibdib nito ay hindi man lang naisip ang ilan pang kasama nito sa trabaho na TNT. Dahil nais nilang maghiganti sa kanilang amo ay kapwa natin Pilipino na TNT at EPS ang nalalagay sa alanganin. Ayon kasi sa Labor Center, ang kumpanyang mahuhulihan ng iligal na manggagawa ay hindi pinapayagan magrenew o kumuha ng EPS workers sa loob ng isang taon. Hindi naman malaking bagay para sa mga kumpanya ang magbayad ng malaking multa kung sila ay mahuhulihan ng iligal na manggagawa. Nasa kanilang manggagawa ang malaking pasakit dahil ang kanilang pangarap na higit pang matulungan ang kanilang pamilya ay matutuldukan na.
Masakit isipin ang bagay na ito dahil lumalabas na Pilipino laban sa kapwa Pilipino ang sistema. Naisip ko lamang na paano na ang mga pamilya ng taong nahuli kung tatapusin lamang ng isang taong nakaalitan niya ang pagkakataong makapagtrabaho ng marami pang taon. Maituturing kong normal ang may makaalitan dahil sa mga kilos nating hindi naiintindihan ng ating kapwa. Ngunit hindi sapat na dahilan ito upang ating isuplong ang ating mga nakaalitan. Dahil batid ko na lilipas ang ating mga galit at muli tayong magkakaayos. Napakasakit isipin na mula pa sa kapwa nating Pilipino tayo makakaramdam ng diskriminasyon. Kung ang mga Koreano nga ay minamahal at inaalagaan pa ang mga iligal nating mga kapatid, bakit hindi magawa ng ilan nating kababayan?
Huwag sanang lumala ang ganitong mga sitwasyon. Huwag sana nating ilagay sa ating mga kamay ang desisyon na pauwiin ang mga iligal sa pamamagitan ng pagsuplong sa mga ito. Sa halip ay tayo ang magtanggol para sa kanilang kapakanan. Magkaisa tayong lahat upang higit tayong umunlad at magkaroon ng payapang pakikisama sa bawat isa. Lahat naman tayo ay may opinyon sa mga nangyayari sa ating paligid. Maaring ito’y tama at maaari rin naman na mali. Ngunit katulad nga ng titulo ng pitak na ito…OPINYON KO ’TO
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post