ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
Baby's Home Bingo Sosyal

By Galilea on 6:58 PM

Filed Under:

Merry Christmas Kapuso at Kapamilya!!!Emmalee Araza

Noong Setyembre 24, 2006 ay idinaos ang ika-14 na anibersaryo ng Ansan Filipino Community o AFC. Namigay ng souvenir ang AFC volunteers sa mga taong nagsimba. Ang banal na misa ay pinangunahan nina Fr. Noel, SVD, Fr. Eugene Docoy, SVD at Fr. Dennis C. Callan, SVD na nagsilbing main celebrant ng nasabing misa.


Binigyan rin ng parangal ang piling koreans at kapwa-pilipino bilang pasasalamat sa walang sawang pagsuporta at pagtulong sa Galilea Migrant Center. Namigay din ng snacks at drinks ang AFC Volunteers sa labas ng pinto ng simbahan.
Kaugnay sa selebrasyong ito ay ang taunang Fund Raising Program ng nasabing grupo. Sa halip na pa-raffle ay nagkaroon ng pa-bingo na ginanap sa canteen ng Wongok Church. Layunin ng nasabing grupo na makakalap ng sapat na pera na maibibigay sa Baby's Home na kasalukuyang humaharap ng financial unstability. Kaya naman, ang programa ay tinawag na "Baby's Home Bingo Sosyal".
Masayang naidaos ang palarong ito sa pamumuno ni Fr. Noel SVD, Director ng Galilea Migrant Center at ng AFC volunteers. Habang idinadaos ang larong ito ay makikita ang excitement ng mga taong nakilahok hindi lamang kapwa natin pinoy kundi maging mga koreans na kahit di masyadong maintindihan ang mechanics ay join pa rin. Katunayan, isa sa mga nanalo ay si Mrs. Maria Park, korean staff ng Galilea Migrant Center. Lahat ay nagnanais na manalo kung kaya't bawat pagbunot ng bola ay isinisigaw ng mga players ang numerong kanilang mapapanalunan. Maingay ngunit masayang umuwi ang lahat na may ngiti sa labi sa kabila ng pagkatalo, ngiting dala ng saya at gaan ng dibdib na parang tayo ay nasa Pilipinas lamang katulad ng ngiting makikita mo sa mga AFC volunteers sapagkat alam nilang naidaos ng matagumpay ang araw na iyon.
Kaya nais naming pasalamatan ang lahat ng nagbenta at bumili ng bingo cards. Nakapagbigay ng isang milyong won sa Baby’s Home na laking ikinatuwa ni Fr. Noel. Nawa'y di kayo magsawang sumuporta at tumulong sa aming mga programa na ang layunin ay mapasaya at mapaunlad ang ating kumunidad… Ang Ansan Filipino Community.

0 comments for this post