ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
Kulang Pa!Kulang Pa...
By Galilea on 9:47 PM
Filed Under:
Felipe "Philip" Lagunda Jr.
Tumuntong sa Korea pag-asa'y hinanap
Pamilya’y iniwanan sa ngalan ng pangarap
Puhunan ay lakas at pagsusumikap
Para sa kanila’y makaipon ng sapat.
Pagod ng katawan sa buong maghapon
Idagdag pa ang lumbay walang tigil ang hamon
Magandang ngiti sa likod ng mga larawan
Pilit itinatago ang tunay na nararamdaman
Kinang ng dolyar ay kanyang natatanaw
Misyon na tinatahak ay nawalan na ng linaw
Humina ang lakas at ang pag-asa'y nawala
Pangarap na binuo ay napalitan na ng luha.
Kaway ng bagong kaibigan ay pinaunlakan
Labag man sa kalooban kami’y lumisan
Kanyang mga mensahe ay aking pinakinggan
Dumaloy ang luha at pighati’y naramdaman.
Pangarap na nalusaw ay yumabong muli
Sa nagtatagong anino nakita ang sarili
Sa pinagkatiwalaan ay lubhang kumapit
Ngunit Kulang pa! kulang ‘yan ang aking sambit.

0 comments for this post