ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
Hypertension
By Galilea on 9:41 PM
Filed Under:
Ito rin ay kilala sa tawag na high blood pressure na kung saan ang tension sa malaking ugat sa ating puso ay tumataas. Karaniwan itong tinatawag na “the silent killer” sapagkat kadalasang umaabot muna ng ilang taon bago tuluyang pinsalain ang kritikal na organ ng ating katawan. Ito ay may dalawang klasipikasyon:
a. Primary hypertension – Walang partikular na dahilan ang makita upang maipaliwanag ang kondisyon ng pasyenteng may ganitong sakit. Tinatayang umaabot sa 95% ang mayroon nito at karaniwang namamana.
b. Secondary hypertension – Ang pagtaas ng blood pressure ay resulta ng ibang sakit tulad ng sakit sa bato o tumor. Umaabot naman sa 5% ang mayroon ng ganitong sakit.
Nangyayari ang hypertension kapag ang systolic pressure (itaas na bahagi ng bp) at ang diastolic pressure (ibabang bahagi ng bp) ay patuloy na tumataas. Masasabing wala itong malinaw na sintomas subalit kalimitang nakakaranas ng pananakit ng ulo, pagkapagod, pamumutla at pagkabingi (pakiramdam na may umuugong sa tenga). Ang patuloy na pagtaas ng tensiyon ay may malaking panganib na magdulot ng stroke (brain damage), atake sa puso, sakit sa bato, paninigas ng malalaking ugat sa puso (atherosclerosis), pagputok ng ugat (aneurism), at panlalabo ng paningin. Ang mga sumusunod ay ang iba’t-ibang uri ng hypertension:
a. Normal blood pressure – mas mababa sa 120/80 mmHg
b. Prehypertension – 120-139/80-89 mmHg
c. Hypertension – mas mataas sa 140/90 mmHg
d. Stage 1 hypertension – 140-159/90-99 mmHg
e. Stage 2 hypertension – 160 pataas/ 100 pataas mmHg
Upang maiwasan ang mga nabanggit na komplikasyon, mahalaga ang patuloy na pagsisikap na maibalik sa normal ang blood pressure sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang:
1. Pagbabago ng paraan ng pamumuhay
a. Pagsisikap na ibaba ng timbang kung ikaw ay overweight,
b. Pagtigil sa paninigarilyo,
c. Pagkain ng mga masusustansyang pagkain (prutas, gulay, low-fat dairy products, at di matatabang pagkain),
d. Pag-iwas sa maaalat na pakain,
e. Palagiang pag-eehersisyo (paglalakad ng di kukulang sa 30 minutos),
f. Paglimita sa pag-inom ng alcohol (dalawang baso araw-araw para sa mga kalalakihan at isang baso naman para sa mga babae).
2. Medikasyon
Maraming klase ng gamot ang maaaring makatulong upang maibaba ang mataas na tension. Ilan dito ay ang Angiotensin-converting enzymes (ACE) inhibitors, Angiotensin II receptor blockers (ARBs), Diuretics, Beta-blockers, at Calcium channel blockers.
Layunin ng panggagamot nito ang mabawasan ng 35-40% ang stroke, 20-25% ang atake sa puso, at mahigit na 50% ang pinsala sa puso.
References: http://en.wikipedia.org/wiki/Hypertension
http://www.medicinenet.com/high_blood_pressure/article.htm
http://www.cardiologychannel.com/hypertension/

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post