ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
El Shaddai

By Galilea on 6:39 PM

Filed Under:

Merry Christmas Kapuso at Kapamilya!!!Sis. Jennet Cacayuran

" Ang makilala at mahalin ang Diyos ay ang pinakamalaking pribilehiyong maaari nating matanggap. Ang makilala naman tayo't Mahalin ng Diyos ay ang ating pinakamalaking kasiyahan".
" Ang pinakamimithing makamtan ng Diyos mula sa iyo ay isang relasyon."



Bata pa ako madalas na akong isama sa simbahan ng aking mga magulang. Palibhasa'y volunteer sa simbahan ang aking ina kaya ang tawag sa amin ay Daga ng Simbahan. Sa pamamagitan ng mataimtim na pagdadasal at paglilingkod sa Kanya, laking pasasalamat ko sa Panginoon dahil binigyan ako ng pagkakataong makapag-abroad dito sa Korea. August 12 ,2000 nang masumpungan ko ang gawain ng EL Shaddai sa Seoul. Sa tulong ng ka-roommate ko, nag-attend kami ng Anibersaryo ng El Shaddai sa araw na iyon. Pagpasok pa lamang namin sa Auditorium ay may naramdaman na akong hindi ko maipaliwanag. Magkahalong lungkot at saya. Malungkot dahil first time kong malayo sa aking pamilya subalit masaya dahil doon ko naramdaman ang banal na presensiya ng Diyos at pagkilos ng banal na espiritu santo sa buong buhay ko. Dito nagsimula ang pakikipagrelasyon ko sa Panginoon. Napakabuti Niya sa lahat ng Kanyang mga nilikha. Pag-ibig Niya'y wagas at di nagmamaliw. Taos sa puso ko ang pasasalamat ko sa Panginoon dahil minulat Niya ang aking mga mata, at binuksan ang aking puso at isipan upang makita at maranasan ang Kanyang mga gawa sa aking buhay. Lahat ng mga kahilingan ko sa Kanya ay dinadaan ko sa pagsusulat ng Prayer Request (Loveletter sa Panginoon). Purihin Siya! Marami akong hiniling na Kanyang tinugon. Sa patuloy na pag attend ko ng Prayer meeting at Bible Sharing ay natuto akong magbasa ng Bible at magbahagi(sharing) ng kabutihan ng Diyos sa Buhay ko. Dito nagsimulang naging makulay at masaya ang aking buhay pananampalataya. Dito rin ako natutong manalangin ng taimtim, hindi lamang para sa aking sarili kundi pati na rin sa ibang tao. Pinupuri at pinasasalamatan ko ang Panginoon dahil isa ako sa pinagaling Niya -pisikal at espiritwal. Dito nagsimulang lumakas at lumalim ang pananalig ko sa Kanya. Siya ang Diyos na dakila, tapat at buhay sa aking buhay. PURIHIN SI YAHWEH EL SHADDAI !!!

El Shaddai is a Catholic Charismatic Prayer Group. A Hebrew word meaning GOD ALMIGHTY the god who is more than enough. He is the all sufficient one.The aim of this group is to proclaim the greatness, faithfulness, power, goodness and love of God, to provide relief to people whose hearts and minds are burdened with problems, to heal the spiritual and physical afflictions of men in our time through the infalliable Word of God. And most of all, to preach the Good News of Salvation offered by Our Lord Jesus Christ.

0 comments for this post