ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
Miss Kita
By Galilea on 7:07 PM
Filed Under:
Jeffrey Celestino
Pinagmamasdan ko ang kapaligiran,
Ito'y nangingintab sa kaputian
Mga niyebe'y muli na namang naglaglagan
Kalungkutan ang aking nararamdaman.
Malamig na hangin sa akin ay dumadampi
Niyayakap ang sarili upang ito ay magapi
"Pasko na pala", sa isipan ko'y sumagi
Miss kita, sa labi ko'y namutawi.
Kahit giniginaw tuwing magsisimbang gabi ako
At nalulungkot dito sa bansa ng Koreano
Di man kita makasama sa darating na pasko
Marinig lang ang boses mo'y masaya na ako.
Huwag nang mainip dahil sa pagdating ko,
Mainit na yakap ang pasalubong ko
Atin ng mapagsasaluhan ang diwa ng pasko
At magiging masaya na muli tayo.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post