ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
Para sa Iyo

By Galilea on 7:08 PM

Filed Under:

Merry Christmas Kapuso at Kapamilya!!! Jeanne Markgraf

Sa mundong aking ginagalawan,
Isang natatanging INA
Ang nagbigay sa akin ng buhay
Pagkakataong binigay na maging

Bahagi ng mundong makulay
Sa aking paglaki patnubay niya
Ang naging daan
Sa mga kagandahang asal

Siya ang naging gabay
Sa mga pagsubok, nagsilbing aking lakas
Aking inspirasyon sa lahat ng pangarap
Tamang panahon ay dumating na

Sa iyong kaarawan, gusto kong iparating
Mga salitang hindi ko madalas sabihin
MAHAL KITA, INAY
Itong aking nilikha, para sa iyong kaarawan

Isang simpleng tula,sa puso ko nagmula
Sa haplos ng hangin iyong maramdaman
Pangungulila ng isang bunso
Na sa'yo ay nagmamahal

0 comments for this post