ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
Pinoy Kicks
By Galilea on 6:56 PM
Filed Under:
Richard Francisco
Mabuhay! Ito ang malakas na sigaw ng ating mga magigiting na kababayan bago simulan ang bakbakan sa 4th Ansan Migrant Soccer Tournament na ginanap sa Ansan Lake Park noong October 15, taong kasalukuyan. Sinalihan ng dalawampung bansa ang naturang torneo na kinabibilangan ng China, Romania, Nigeria, Thailand, Indonesia, Kazakhstan, Philippines at marami pang iba. Hindi lingid sa lahat na ang larong soccer ay di sikat sa ating bansa. Iilan lamang ang may kakayahan sa paglalaro nito di gaya ng basketball o boxing na sikat na sikat sa atin ngayon. Kaya naman, kamangha-mangha ang pagsali ng ating mga kababayan sa tournament na iyon. Iba kasi ang pinoy di umuurong sa anumang labanan. Nagsilbing pagsubok sa kakayahan ng ating mga kababayan ang imbitasyon sa torneo. Maituturing din itong kauna-unahan sa kasaysayan ng Filipino Migrants dito sa Korea. Dalawampung makikisig at matatapang nating mga kababayan ang napiling kumatawan sa ating bansa. Karamihan sa kanila ay pawang aktibong miyembro ng Ansan Filipino Community. Baguhan man sa larangan ng sports na iyon ay lakas-loob nilang hinarap ang mga katunggali. Kulang man sa sapat na kaalaman at kasanayan sa larong soccer ay naging inspirasyon nila ang suporta ng mga kababayan na nanood sa kanilang laro. Nakaharap ng bansang Pilipinas sa unang round ang China. Mas maliliit ngunit higit na maliliksing kumilos ang mga ito sa field. Kilala ang China na mahusay sa larong ito. Kaya't sa unang salpukan pa lang, napalaban na ng husto ang Pilipinas. Tabla ang laban sa unang mga minuto ng laro. Matinding sipaan, takbuhan at gulungan ang pinakita ng mga pinoy na ikinagitla naman ng mga manonood. Nakaabante na lamang ang mga Chinese ng nakaramdam na ng matinding pagod ang ating mga pambato. Sa score na 7-0 natapos ang laro. Bansang Nigeria naman ang nakatunggali ng ating koponan sa ikalawang round. Walang kakurap-kurap nilang hinarap ang matatangkad at matitipunong Nigerian. Gaya ng naunang laro tumabla rin tayo sa mga unang sandali ng game. Mas matinding depensa ang iginawad ng Pinoy players kaya naman di masyadong nakalayo ang mga Nigerian. Tinapos ng bansang Nigeria ang laro sa score na 5-0.Di man nakapag-uwi ang ating mga players ng medalyang ginto ay bakas naman sa kanilang mukha ang tuwa. Ang di matatawarang karanasan ang kanilang munting premyo mula sa naturang tournament. Masarap din daw palang laruin ang dati'y sa TV lang napapanood. Isang karangalan para sa kanila ang ipaglaban at iwagayway ang ating bandila sa araw na iyon. Ituturing nilang isang panibagong hamon ang muling pagsali at paghahanda sa mga susunod pang tournament. Kaya abangan po natin ang muling pakikipagtagisan ng ating matatapang at mas handang pambato. Kaya Pinoy, Mabuhay kayo!

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post