ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
Playback
By Galilea on 6:55 PM
Filed Under:
Evhie Manaloto
Ikaw ba ay may karanasang di nawawaglit sa iyong isipan? Isang karanasan na maaaring masaya o malungkot. Mga karanasang masasaya na masarap balik-balikan o mga pangyayari namang mapait na nakapagpapabigat ng ating damdamin. Kadalasan, malaki ang naitutulong ng paghahayag sa kaibigan o kapwa ng ating mga saloobin. Ang PLAYBACK ay isang original form ng improvisational theater na kung saan ang mga manonood o mga members nito ang siyang magkukwento ng kanilang mga karanasan. Ito rin ay kanilang mapapanood on-the-spot. Ang kwento ay gagampanan ng mga actor sa pamamagitan ng pantomime, isang uri ng pagganap ng walang script. Ang Playback ay sinimulan nina Jonathan Fox and Jo Salas noong 1975 sa Dutchess and Ulster Counties of New York. Naihahalili ang Playback sa isang drama Therapy, ang paraan ng paglunas sa ating mga problemang emotional. Noong nakaraang Oktubre 29, ginanap ang isang Playback sa Wongok Parish Church na pinamunuan ni Fr. Eugene Docoy bilang tagapagsalin sa wikang Pilipino ng naturang palabas. Kasama rin sina Kim Su Joeng at limang koreano na nagsiganap. Sila ay sina Be Woo, Monina, Oemokran, Lee Doo Soeng at Lee Jane. Apat na manonood ang nagboluntaryo na magbahagi ng kani-kanilang kwento sa buhay. May masaya, malungkot at merong din traumatic experience ang naisadula. Kasama sa mga nagkwento sina Nyl, John, Catleya at Neil na pawang mga aktibong miyembro ng AFC. Sadyang maganda ang kinalabasan ng nasabing Playback. Kaya naman, muli itong naulit noong ika-5 ng Nobyembre. Bawat isa sa kanila na nagbahagi ng kwento ay makakapagpatunay na ito ay nakapagpagaan ng kanilang mga saloobin. Ikaw kaibigan, gusto mo rin bang ibahagi ang iyong karanasan? Maaaring sa susunod ay ikaw naman ang bida.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post