ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
Kahit Kunwari Lang
By Galilea on 9:49 PM
Filed Under:
Jeffrey Celestino
Bakit nasasaktan gayong walang karapatan
Bakit naninibugho ‘di naman kita kasintahan
Bakit pagkatuliro ang aking nararamdaman
Lungkot sa mga mata’y pansin ng karamihan.
Nagmumukhang tanga dahil sa iyo’y humahabol pa
Gayong batid ng puso ko na may mahal ka ng iba
Parang pinagsakluban ng langit at lupa
Kung sino pa ang mahal mo siya pang nawawala.
Alam kong inaasam ay hindi mangyayari
Pwede pa siguro kapag nanaginip sa gabi
O ‘di kaya nama’y nagmumuni-muni
Masaya na ako kahit ito'y imposible.
‘Di ko naman hinihiling na pag-ibig ko’y tumbasan
Gusto ko lang kahit kaunti ako ay mabahagian
Pag-ibig munti man, dulot saki'y kaligayahan
Lalo't galing sa'yo, kahit na kunwari lang...

0 comments for this post