ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
Pagsubok

By Galilea on 9:49 PM

Filed Under:


Renzon Maribojo

Noong tayo'y unang nagkakilala
Akala ko'y ika'y taong napakasaya
Ngunit sa kabila ng matamis mong ngiti
Lungkot ay natatago saiyong mga labi.

Sa 'ting kwentuhan bilis ng oras di namamalayan
Pagpatak ng luha mo'y pilit na pinipigilan
Ngunit ramdam ko bigat ng 'yong kalooban
Pagsubok nga naman di talaga inaasahan.

Ako'y kaibigan mo habang buhay
Sa lungkot at saya ako'y kaagapay
San man naroroon ako ay karamay
Dito lamang ako handang dumamay

Hindi kita iiwan o aking kaibigan
Pagkat nananalangin naway dinggin
Sa kabila ng dilim ay may liwanag din
Kislap ng ngiti mo'y wari'y mga bituin.

0 comments for this post