ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
Rasung (Home Sweet Home) Taba at Soy

By Galilea on 9:14 PM

Filed Under:



Dito po sa Rasung ako’y at home na at home
Kababayang Pinoy, naglipana, nagtipon-tipon
Pagkatao’t ugali’y sadyang iba’t-iba
Ngunit nakatutuwa kapag nagsama-sama

Unahin natin ‘tong si Carlong maporma
Kung titigna’y astig, sa trabahoy bidang-bida
Pero ng minsan sa Disco siya ay nakita
Gumiling, nakamake-up, Teka Carlo isa ka palang Carla!

Dyan po sa Galilea, takbuhan ng sa trabaho’y inalipusta
Tuwing Miyerkules may masasaksihang kakaibang parada
Mga babaeng bundat, este buntis sunod-sunod, pila-pila
Oh ano Mare, gusto mo bang sumama?

Itong aking tropa na may nobyang maganda
Laging isinashopping, magtuturo trip ng lola
Kaya ‘tong pobreng kaibigan ko’y ngayo’y wala ng pera
Inubos ng nobya niyang isa palang babaeng “turista”

Doon naman sa banda roon sa Bahay ni Ate
May sayawan, kantahan, ilaw ay patay sindi
Ang Pinoy talaga mahilig mag hapi-hapi
Relax lang ha, walang away lahat tayo bati-bati

Kay Berto naman tayo na ngayo’y walang trabaho
Lipat ng kumpanya, release doon release dito
Hoy Berto konting tiyaga, konting pasenya
Nang si Ate Maria’y di mapa “Aygu Mori Apa”

May isa naman akong dating katrabaho
Ubod ng gastos, sinasagad lahat ng sweldo
Bagong damit, sapatos, naninilaw pa sa ginto
Pare ko, tapos na kontrata mo, magkano ipon mo?

Minsan may isang Pinoy akong nakasalubong
Tindi ng porma, nakajersey, shorts at sapatos na goma
Tuloy mga Koreano’y tuon ang tingin sa kanya
Aba Kobe, Winter na, kita mo’t nangangatog ka na.

Si Kristeta naman po ang aming tagapag-balita
Dala-dala niya’y bagong tsika fresh na fresh talaga
Tita dahan-dahan sa usaping buhay ng iba
Mind your own business, buhay mo pag-usapan payag ka?

Dumako naman tayo kay Mandong basketbolista
Binata, hiwalay o nabyudo ang press release niya
Paalala lang mga iha, ingat sa ganyang pambobola
Baka sa Pinas, asawa’t limang anak sa kanya’y umaasa.


Alam niyo po sa Rasung naglipana ang artista
Sa “Koreanong Paparachi”, tago ng tago ayaw magpakita
Sa harap ng Simbaha’y tuwing Linggo lang nakakarampa
Ingat Kabayan, maging alisto, kapag nahuli, Annyeong Korea!

Remittance, Philippine Goods o Card Kabayan
May cash, may advance pwede rin ang utang
Basta’t Pinoy, negosyante kahit saan pa man
Kuya, Ate ang Rate mo, paki taas-taasan.

Sa ibat-iba namang samahan o mga grupo
Batangueno, Kapampangan, Vismin man o Ilokano
Di masusukat ang tapang sa pakikipag-basag-ulo
Maging responsable, matutong rumespeto, yan ang tunay na lalaki, iniidolo!

Dito sa Rasung ay masarap manirahan
Basta’t batas at kultura nila’y ating igalang
Maling ugali‘t kagawian dapat ng ibasura
Dito bisita ka, ngunit tahanan mo rin pansamantala

Bato-bato sa langit tamaan ay wag magagalit
Paalala lang po ang aking sinasambit
Kagandahang asal ng Pinoy huwag iwawaglit
Nang sa lugar na ito kabu

0 comments for this post