ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
Balik-manggagawa
By Galilea on 9:39 PM
Filed Under:
Ang balik-mangagawa ay isang prosesong kinakailangan ng lahat ng OFW na nagbakasyon sa Pilipinas ng higit sa tatlong araw bago bumalik sa bansang pinagtatrabahuhan sa parehong amo. Para sa inyong impormasyon ay aking itinala ang mga bagay na dapat gawin at dalhin bago magtungo sa POEA. Ito ay matatagpuan sa EDSA cor. Ortigas Avenue, Mandaluyong City.
Bago pumunta sa POEA ay narito ang mga bagay na kinakailangan upang magproseso ng mga dokumento:
1. PASSPORT
2. Entry Visa (para sa mga nagbabakasyon lamang) at Entry Visa at Re-employment certificate (para naman sa mga re-employed)
3. PhP100.00 para sa Processing Fee PhP1, 275.00 para sa OWWA Membership Fee at PhP900.00 para sa PhilHealth/Medicare Coverage.
Magtungo sa BALIK-MANGGAGAWA PROCESSING CENTER (BMPC) Service Area kasama ang mga dokumentong nabanggit sa itaas. Kumuha ng Queuing Number at ng OFW information sheet sa pinto ng BMPC at sagutan ang mga hinihinging impormasyon. Hintayin na tawagin ang numerong itinalaga sa'yo upang ipakita ang iyong mga dokumento. Magbayad sa assigned cashier's counter ng halagang nakalagay sa itaas.
Para sa karagdagang inpormasyon visit http://www.ideanibilly.blogspot.com/
Para sa karagdagang inpormasyon visit http://www.ideanibilly.blogspot.com/
Mga Paraan at dapat tandaan sa pagproseso ng re-employment
A. Kumuha ng plane ticket 1-3buwan bago matapos ang kontrata. Gayundin, kailangang iproseso ang mga insurance isang buwan bago umalis ng bansa.
B. Magtungo sa labor center matapos makuha ang nasabing tiket para sa re-employment certificate at bagong kontrata sa pagitan ninyong mag-amo.
C. At least 15 days bago ang araw ng iyong pag-uwi ay kailangang magtungo ang iyong amo sa immigration office upang mag-apply ng visa number. Sa ilang pagkakataon, kung nahuli sa pag-file ang iyong amo maaari rin naman na “registration for visa” ang ibigay nito katunayan na ikaw ay ipinarehistro sa immigration.
D. Siguraduhing dala mo ang re-employment certificate at number visa mula sa immigration office dito sa korea bago lumabas ng bansa. Sa airport, huwag magtaka kung kumpiskahin ang luma mong alien card dahil wala na itong bisa.
E. Pagdating sa Pinas, maghintay ng isang buwan bago pumunta sa Embahada ng Korea upang kumuha ng panibagong visa. Hindi ka nila ie-entertain kung wala pang 1 buwan ang iyong inilagi sa Pinas.
F. Magpunta ng maaga sa Korean Embassy na matatagpuan sa 18th Floor Pacific Star Building, Sen. Gil Puyat corner Makati Avenue. Ang oras ng pag-aapply ng visa ay nagsisimula ng 9am-11am lamang habang 2pm-4pm naman ang releasing nito sa araw na itinakda ayon sa iyong releasing Stub.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post