ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
Tawa naman dyan

By Galilea on 9:46 PM

Filed Under:

Pasahe
Sa Isang Jeep Pasahero: Mama, Magkano po yung pasahe? Driver: 7.50 yung minimum Pasahero: (Dumukot ito sa bulsa para kunin yung pera niya, Ngunit sa di sinasadyang dahilan kulang yung pamasahe niya.) Patay, kulang yung pera ko. Paano kaya ito? (Nag isip ito at lumingon sa driver. Napansin Niya Na Duling Ito. Sabi niya sa kanyang sarili, Tama duling yung driver sigurado pag nagbigay ako ng 3.75 di na niya mapapansin na kulang yung pera ko. Kasi doble yung paningin nito. Inabot niya sa driver yung pera. Ngunit laking gulat niya nung may sinabi yung driver sa kanya. Driver: Kulang ito! Pasahero: Anong kulang? Di ba sabi mo 7.50 yung minimum? Driver: Oo nga 7.50 eh dalawa kaya kayo.
Patay! Akala mo lusot ka na ha?
* * *
Titser at estudyante
A philosopher challenges a student
Titser: Class, See is to believe. Have u seen God?
Students: No, Sir!
Titser: You didn't see, You didn’t believe.
Students: Titser have u seen ur brain?
Titser: No
Students: Uwi na tayo my dear classmate, Walang utak si Sir.
* * *
Dalawang holdaper sa bangko... Holdaper #1: Yehey! Mayaman na tayo! Holdaper #2: Bilangin mo na! Holdaper: ga*o! Alam mo namang mahina ako sa math. Abangan na lang natin sa balita kung magkano!

Nakita ko yung 1 baliw merong dahon sa ulo.Tinanong ko yung baliw, ang sabi ko, “bakit meron kang dahon sa ulo?” Baliw 1: Ahhh. kasi ako si Francisco Balagtas... Sabi ko...ah...OK ( siyempre eh baliw nga..) Nakita ko naman yung pangalawang baliw...merong hawak na laruang itak na nakataas pa ang kamay...Tinanong ko yung baliw 2, ang sabi ko, “bakit meron kang laruang itak at nakataas pa ang kamay mo?Baliw 2: Ahhh. kasi ako si Andress Bonifacio... Sabi ko: ah...OK ( siyempre eh baliw nga rin..)
Kaya ang ginawa ko eh lumapit ako sa Doctor…
Sabi ko: Doc. Good afternoon po, magtatanong lang po sana ako kung bakit mga bayani ang laman ng isip ng mga baliw dito?
Doctor: Ah...iho kasi masyado naapektuhan ang mga utak nila ng ating mga bayani... Sabi ko: Ah.. Ganun po ba Dok..cge po Thank you... ahh... Doctor ano nga po pala name mo? Doctor: Ako po si doctor Jose Rizal...
* * *
While watching a ballerina tip toeing on stage, Eddie Gil commented, Ang tanga naman ng direktor! Bakit hindi na lang sya kumuha ng matangkad?!?
* * *
Pedro: Pare, sobrang taba talaga ng misis ko kaya’t gusto niyang magbawas ng timbang.
Pablo: Sabihin mo sa misis mo maghorse back riding siya.
Makaraan ang dalawang buwan…
Pablo: Kumusta naman ang resulta ng horseback riding?!
Pedro: Nabawasan ng 40kilos ang kabayo!!!
* * *
Pepe: Daddy, tulong naman sa assignment ko. Find the least common denominator daw.
Daddy: Ha? Aba'y elementary pa lang ako eh hinahanap na nila yan ah! Aba'y di pa ba nila nakikita?

0 comments for this post