ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
Pasko

By Galilea on 9:49 PM

Filed Under:


Al Verdida


Pasko ay sasapit na
Ihip ng hangi’y ibang-iba,
Kahit saang sulok ka magpunta
Simoy ng Pasko’y nadarama.

Ang tagubilin sa ‘tin ng mga magulang
Maging mabait na bata ‘pag pasko’y daratal,
Upang ang Aguinaldo nating inaasam
Ngayong kapaskuhan ay ating makamtan.

Sa iba nating mga ninong at ninang
Araw na ito’y pinangangambahan,
Sa mga inaanak nilang di mabilang
Sila ay nakikipagtaguan.

Kristo-Hesus ay huwag kalimutan
Pasko ay kanyang kapanganakan,
Bigyan puri siya’t parangalan
Siya ay taos-puso nating pasalamatan.

O tayo na at magsama-sama
Diwa ng Pasko’y ating ipadama,
Pagmamahala’y ibahagi sa isa’t-isa
Ngayong araw ng Pasko at sa tuwina!

0 comments for this post