ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
Angel sa Lupa

By Galilea on 9:53 PM

Filed Under:


Chito Balba

Akala ko noon,ang sabi ng iba,
Doon lang sa langit,anghel makikita
Ngunit bakit kaya dito sa Korea?
Mayro'ng dalawang anghel,kilalang-kilala.

Kahit walang pakpak,anghel silang tunay,
Sa lahat ng oras,sila’y maaasahan,
Hindi iniinda,pagod ng katawan,
Laging iniisip,ating kabutihan

Sila'y maituturing na anghel sa lupa,
Tunay na uliran at sadyang dakila,
Sa lahat ng oras hindi nagsasawa,
Tumulong, gumabay, laging umuunawa.

Salamat po sa inyo, anghel naming mahal,
Wala kayong kawangis sa kadakilaan,
Mga Pilipinong mayro'ng dinaramdam,
Inyong binibigay ay lakas na tunay.

Ang tangi kong hiling sa Mahal na Ama,
Ang anghel sa lupa nawa’y dumami pa,
Fr.Eugene at Fr. Noel, anghel kayong talaga,
Anghel na idolo, sa tuwi-tuwina...

0 comments for this post