ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
Bibingka at Puto Bumbong
By Galilea on 9:15 PM
Filed Under:
Masasabing ang ating bansa ang may pinamahaba at pinakamasayang selebrasyon ng Kapaskuhan. Simula pa lang ng buwan na may “ber” ay ramdam na ang simoy ng Pasko. Makukulay na dekorasyong parol ang makikita sa daan, mga artificial Christmas tree sa ating mga tahanan, mga caroling ng mga bata na tila mga anghel ang boses at syempre pa ang masasarap na mga pagkain.
Dalawa sa pinakaporitong kakanin natin tuwing sasapit ang ganitong okasyon ay ang bibingka at puto bumbong na talaga namang pinoy na pinoy. Hindi kumpleto ang Paskong Pilipino kung wala ang mga ito. Amoy pa lang ng nilulutong bibingka ay alam na alam na natin ang hudyat ng papalapit na pagdiriwang ng Kanyang kapanganakan. Animo’y may gayuma, kaya’t matapos ang misa de gallo o simbang gabi, hindi pwedeng hindi tayo dadaan sa isa sa mga bilihan upang tumikim ng kakaning ito. Ito’y kadalasang matatagpuan din sa paligid ng simbahan.
Hinahanap-hanap na kasi natin ang lasa nito. Lalong-lalo na kapag ito ay may itlog na maalat, kesong puti, asukal at niyog. Gayundin naman ang nakabalot sa dahon ng saging na kulay ube at malambot na puto bumbong na may niyog sa ibabaw. At kadalasang sineserve ito ng my libreng isang tasang salabat upang balansehin ang lamig ng umaga. Ang sakripisyo ng mga nagluluto at nagtitinda tuwing madaling araw ay malalasahan mo sa sarap ng kanilang niluto.
Masasabi kong tunay ngang walang kapantay pa rin ang Pasko sa ating bansa.Wala mang snow sa ating bansa tuwing Pasko o madalang man ang mga pine trees at kung mayroon mang Santa Clause na pinaniniwalaan ng mga bata sa atin ay di natin kadalasang nakikitang personal na nagbibigay ng regalo. Subalit kahit wala nito, ninanais pa din natin na magpasko sa sariling bayan. Kaya’t siguradong tayong mga Pilipino na nasa abroad ay sabik ng makauwi at makaranas din ng pinoy na pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesus.

Maligayang Pasko!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post