ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
Misa de Gallo
By Galilea on 9:18 PM
Filed Under:
Kathlia De Castro
Ang Misa de Gallo o kalimitang tinatawag na simbang gabi ay isang tradisyong minana ng mga Pinoy sa Kastila. Kinagawian na ng Pinoy ang dumalo sa simbang gabi, wari ba’y hindi mabubuo ang Pasko kung wala ito. Kahit pa ang ibig sabihin nito ay paggising ng madaling araw. Tunay namang nakasisiyang pagmasdan ang di mahulugang karayom na dumadalo sa misa. Bawat isa’y may kani-kaniyang dahilan at paniniwala sa pakiki-isa sa simbang gabi. Mayroong may kahilingan at naniniwala silang sa pamamagitan nito, ito’y magkakaroon ng katuparan. Ang iba’y nagsisimba para makita ang kanilang mga crush o napupusuan. Meron namang dumadalo lamang para makasabay sa agos. Ngunit anuman ang dahilan nila hindi maitatangging sa isang sulok ng kanilang puso ang kagustuhan makibahagi sa saya at diwa ng Pasko.

Kung kaya naman, kahit dito sa Korea pinagsusumikapan nating maituloy ang tradisyong ating kinagawian. At katulad sa Pinas, kahit nangangahulugan ito ng pagsasakripisko, pinipilit nating maisakatuparan ito. Sa kabila ng ating mga trabaho nagagawa pa rin nating dumalo sa simbang gabi. Sa pamamagitan nito, kahit papaano nadarama natin ang kasiyahan ng Pasko sa Pinas. At ngayon taon, muli ay isapuso natin ang diwa ng Pasko sa pamamagitan ng simbang gabi katulad noong nakaraang taon.
Halina’t makiisa at sama-sama nating damhin sa ating mga puso ang Paskong Pinoy.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post