ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
International Unity Festival
By Galilea on 8:46 PM
Filed Under:
Jeffrey Celestino
Sa kagustuhang makapagbigay ng saya at mapaglilibangan para sa mga dayuhang manggagawa dito sa Korea, ang National Council of Sports for All, Ansan City Government at Arirang Broadcasting Company ay sama-samang bumuo ng isang festival na pinangalanang The International Unity Festival 2007.
Idinaos ang nasabing festival noong Oct. 28, 2007 sa Wa~Stadium dito sa Ansan. Sa laki ng selebrasyon ay hindi lamang mga dayuhang manggagawa ang imbitado na nagmula sa iba't-ibang bansa. Kabilang dito ang Philippines, China, Vietnam, Thailand, Bangladesh, Indonesia at marami pang iba. Nakilahok din pati ang mga local residents at iba pang mga bisita na nanggaling sa karatig lalawigan ng Ansan. Bandang alas-9 ng umaga nagsimula ang programa. Dinaluhan ng 16 teams na galing sa iba't-ibang bansa ang larong soccer, marathon at relay. Nagkaroon din ng exhibit, pagtitinda ng iba't-ibang folk commodities, pamimigay ng mga souvenir items at marami pang iba. Muli ring nagpakita ng kagalingan sa pag-awit at pagsayaw ang mga representatives ng bawat bansa sa dance and singing competition. Inilaban ng AFC Dancers ang Let's get Loud at Shout for Joy. “Maria” naman ang napiling kantahin ni Crizel Isayas.
Hindi na tinapos ng ilang mga bisita ang programa sa kadahilanang bumuhos ang ulan. Walang idineklarang nanalo sa nasabing kumpetisiyon bagkus ay napagkasunduan ng mga namumuno na gawin nalang patas ang ibibigay na premyo. Agad naman itong sinang-ayunan ng mga kalahok. Gayunpaman, ay masasabing isang matagumpay at mapayapa ang kinalabasan ng nasabing Festival. Magkakaiba man ang kultura at pananalita, ay di naman ito naging hadlang upang mapagbuklod-buklod muli ang lahat ng mga dayuhan. 'Yan ang tunay na diwa ng International Unity Festival.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post