ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
SAMA-SAMA,TULONG-TULONG,KAYANG-KAYA
By Galilea on 9:11 PM
Filed Under:
Labing-apat na taon na ang nakakaraan ng mabuo ang samahang Ansan Filipino Community, AFC. Sinabi ni Fr. Eugene na, “AFC is the main backbone of every Filipino activities here in Ansan.”
Pagkalipas ang limang taon na kapiling ni Fr. Eugene ang mga Filipino dito sa Ansan ay napagnilayan niya na kailangan ang isang Center na tutulong sa mga “migrant workers” na may problema dito sa Korea. Kaya naman itinatag niya ang Galilea Migrant Center.
Nagsimula ang Migrant Center sa isang silid sa “underground” na ipinahiram ni Nanay Tinay. Dahil sa walang sawang tumutulong ang Center sa mga nangangailangan ng tulong ay hindi ito pinabayaan ng Panginoon. Dumating ang araw na nakayanan ng umakyat sa second floor ang Center. Tuloy-tuloy ang grasya kaya naman nagkaroon ng extension sa third floor. Ngayon ay masasabi nating lalong umunlad ang Center dahil nakayanan ng bumili ng sariling lugar.
Taong 2003 ng itinatag naman ni Fr. Eugene ang Galilea Baby’s Home. Layunin nito ang bigyan ng pagkakataon na makasama ng mga “migrant workers” ang kanilang anak na isinilang dito sa Korea.
Sa pagdaan ng panahon ay maraming natanggap na grasya ang AFC at Galilea. Mga grasyang nagdulot ng galak sa lahat. Ngunit hindi rin nawala ang mga pagsubok at hirap.
Masasabi na hindi talaga pinabayaan ng Panginoon ang AFC at Galilea. Dahil nakita Niya na tayong lahat ay sama-samang nagtutulungan. Hindi ba ito ang tunay na larawan ng Simbahan? Ang AFC at Galilea ay isang Simbahan kaya naman lahat ng gawain nito ay kayang-kaya!
Mabuhay tayong lahat!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments for this post
ang cute namin hehehehe