ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
Hwarang Festival
By Galilea on 6:53 PM
Filed Under:
Billy Vela
"Arts without border for understanding one another." Ito ang naging tema ng ika-7 taong pagdiriwang ng Hwarang Festival noong nakaraang Oktubre 01 ng taong kasalukuyan. Isa ang bansang Pilipinas sa mga naimbitahan at nagpaunlak sa nasabing pagdiriwang. Dito ay nagkaroon ng iba't-ibang exhibit, sayawan at mga palaro. Binigyan din ng kani-kanilang booth ang bawat bansa upang ipakita ng kanilang kultura at ilang mga produkto. Ang programa ay nagsimula bandang alas-3 ng hapon kung saan ang ating kababayan na si Ms. May Santos ang isa sa mga napiling maging host ng nasabing programa. Ito ang kanyang ikatlong beses na naging host ng hwarang festival. Nagkaroon din ng taunang singing contest kung saan ang ating kababayan na si Mr. Gener de Castro ang isa sa mga kalahok.Nakuha niya ang ikalawang puwesto para sa kanyang pag-awit ng Ne Saram (partners for life). Matatandaan na dalawa ring Pilipina ang nag-uwi ng una at ikalawang puwesto sa nasabing patimpalak noong nakaraang taon. Ito ay sina Belle Ariola at Kim Dotimas. Muling ipinakita ng AFC dancers ang kanilang galing sa pag-indak sa saliw ng musikang "Let's get loud" para sa isang special number. Ang programa ay tinapos ng isang simple at makulay na fireworks display na tumagal ng mahigit 2 minuto. Sa naturang pagdiriwang ay muling naipakita ng lahat ng bansang kasali na bagamat iba't-iba ng lahi, kulay ng balat, pananalita at kultura ay hindi ito naging hadlang upang makamit ang isang adhikain — ang respeto sa bawat isa.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post