ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
Snow
By Galilea on 6:52 PM
Filed Under:
Emmalee Araza
December 2003, kami ay nasa bintana ng isa kong kaibigan habang pinagmamasdan ang unang patak ng snow, "Sana sa unang patak ng snow ay maalala mo ako,yun ang sinabi ng nobyo ko sa akin bago tayo sumakay ng bus papuntang airport" sambit ng kaibigan ko habang nakatitig sa naglalaglagang yelo,dama ko ang lungkot sa boses niya sa alaala ng naiwan niyang nobyo at di ko rin maiwasang malungkot nang maalala ko ang pamilya ko.
Mahigit dalawang buwan palang ang nakalilipas simula ng kami ay dumating galing pinas. Unang pasko na hindi ko makakasama ang pamilya ko at unang beses kong makikita ang patak ng snow. Masaya subalit may kahalong lungkot dahil sa panahong iyon pangungulila ang nararamdaman naming lahat.Lumipas ang tatlong taon at nakasanayan ko na din ang buhay dito sa korea maging ang homesickness ay di ko na madama. Ilang pasko na nga ba ang nakalipas? At ilang snow na ba ang pumatak? Akala ko ay wala nang bago…wala nang lungkot.
Kasabay ng paghaplos ng malamig na hangin sa aking pisngi ay ang lungkot na aking naramdaman nang buksan ko ang pintuan ng aming kumpanya upang silipin ang pagpatak ng snow. Lungkot dala ng alaala ng isang taong kamakailan lamang ay lumisan. Isang kaibigang naging bahagi na ng buhay ko, kaibigang nagpatawa sa mga oras na umiyak ako, kaibigang nagpagaan sa bigat ng loob ko, kaibigang pumawi ng lungkot ko at kaibigang napagsabihan ng mga problema ko.
Subalit sino ba naman ako para pigilan siya? Lalo pa at alam ko na sa patutunguhan niya ay magiging maligaya siya. Makakasama na niya ang pamilyang kay tagal na pina ngulilaan at madadama muli niya ang pag-aaruga ng isang ina, ang pag-aalala ng isang ama at higit sa lahat makikita na niya ang babaeng totoong nagmamahal at siyang karapat-dapat sa kanya. Sa kabila ng lungkot na aking nadama ay ang totoong kasiyahan para sa kanya kasabay ang panalangin ng katiwasayan sa kanyang isipan at katuparan ng mga pangarap na kanyang minimithi.
Sa ngayon nililibang ko na lang ang sarili sa trabaho. Lumisan man ang isang napakahalagang tao sa buhay ko at sa kabila ng pagiging malayo ng aking pamilya, alam ko magiging masaya pa rin ang aking pasko kasama ng mga kaibigang umaagapay sa akin, ng mga taong nagpapahalaga at ng isang pamilyang totoong nagmamahal sa akin...ang AFC FAMILY.
Muli man umulan ng snow at maramdaman man muli ang lungkot ay alam kong makakaya ko ito dahil higit sa lahat may isang hindi nagpapabaya sa akin, ang aking sandalan at lakas...ang DIYOS.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post