ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
Kaibigan
By Galilea on 7:09 PM
Filed Under:
Danny Giovanni Sumayo
Kaibigan gusto kong iyong malaman
Ako'y nagagalak sa iyong kagalingan
Ilang beses ikaw ay naoperahan
Di ko lubos maisip ang aking naramdaman.
Madalas akong tanungin ng karamihan
Bakit daw sarili ko'y pinahihirapan
Pupunta sa trabahong walang tulugan
Samantalang ika'y isa lamang kaibigan.
Tama man ang sinabi ng karamihan
Hindi daw kita kapuso, kapamilya o anuman
Ngunit ika'y patuloy kong inalagaan
Sapagkat ito'y ikasasaya ng Diyos na Makapangyarihan.
Ngayon ika'y nakabalik sa trabaho at pinahihirapan
Ng mga koreanong walang pakialam sa iyong nararamdaman
Gusto kong iyong malaman at pakatandaan
Nasasaktan rin akong makita kang nahihirapan.
Kaya kaibigan kalusugan natin ay ingatan
Dahil tunay nga naman na ito'y kayamanan
Minsan sarili ay ating pakiramdaman
Kung kaya pa rin ng ating katawan.
Panginoon, Ikaw ay aming pinasasalamatan
Panalangin namin ay iyong pinakikinggan
Tunay ngang kahanga-hanga ang iyong pagmamahal
At di mapapantayan ang iyong kabaitan
At di mapapantayan ang iyong kabaitan.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post