ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
Sino Kaya

By Galilea on 9:41 PM

Filed Under:

Amiel Ferrer

Lahat tayo ay nagmamahal, nakakaranas ng kakaibang saya, ngunit darating ba ang panahon na matatanggap ng sinuman ang isang taong nagmamahal ng dalawa?
Hindi ko magawang pumili. Kapwa sila mahalaga sa akin. Kapwa rin sila nagbibigay ng saya sa aming pagsasama. Kung pipiliin ko ang isa sa kanila tiyak kami ng 'di ko pipiliin ay masasaktan. Tama! pareho kaming masasaktan dahil hindi ko kakayanin na siya ay mawala sa akin. Alam kong 'di rin niya hahayaang mawala ako sa kanya. Paano nga ba natin hahayaang mawala an
g isang taong napakahalaga sa ating buhay?
Totoong magkaiba sila. Ang isa ay nariyan upang umalalay sa lahat ng iyong pangangailangan. Samantalang ang isa naman ay nariyan upang ipadama ang pagmamahal at pag-aaruga sa iyo sa araw-araw. Hindi maaaring sila ay kalimutan at iwanan. Hindi ako mamimili ng sinuman sa kanila sapagkat kapwa sila mahalaga sa akin kung kaya’t habang buhay ko silang mamamhalin. Sila ay walang iba kundi ang aking ama't ina na tunay kong minamahal.

0 comments for this post