ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
RE-INTEGRATION UPDATE

By Galilea on 7:21 PM

Filed Under:

Manny Manongsong

Mula sa negosyong Rice Mill, muling nagbukas ng bagong negosyo ang Reintegration group na kinabibilangan ng Batch 2. Isang beach Resort and recreation center sa Bohol ang planong investment.



Naghalal ng mga bagong opisyales ang nasabing grupo na pinangungunahan nila Nanay Tinay at Jennet Cacayuran bilang pangulo at pangalawang pangulo. Sila'y pormal na nanumpa sa kanilang posisyon noong 13 August 2006. Nagbigay ng maikling programa at simpleng salu-salo ang Batch 1 bilang welcome party sa kanila. "Sama-sama, tulong-tulong, kayang-kaya" ang iniwang mensahe ng vice president upang maiparating na magtulungan para sa ikauunlad at ikatatagumpay ng nasabing grupo.

Kaugnay nito, naglunsad ng proyekto ang Reintegration group ng libreng computer class na may layuning maihanda ang mga migranteng Pilipino sa pag-uwi sa ating bansa. Ito'y simpleng kaalaman sa computer tulad ng MS Word at Excel na maaaring gamitin sa pagsisimula ng maliit na negosyo. Sina Arlan Francisco at James Abragon ang nagturo sa may labing-walong (18) estudyante at matapos ang tatlong buwan ay nakamit nila ang kanilang diploma. Ito'y naging matagumpay sa tulong at suporta ng Ansan Migrant Support Center, Galilea, Fr. Eugene Docoy at AFC.

Kamakailan din, nagdaos ng maikling seminar ang Landbank of the Philippines noong 17 September sa Conference room ng Wongok Parish Church. Tinalakay dito ang tamang pamamaraan ng pag-iimpok ng perang kinita at nagbigay ng mga kaalaman kung paano ito iinvest ng tama.



Ang mga nasabing programa ay may iisang layunin at ito'y makatulong upang maging maayos at matagumpay ang pinansyal na aspeto ng mga migranteng Pilipino bago bumalik sa sariling bayan.

0 comments for this post