ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
IYAK
By Galilea on 9:10 PM
Filed Under:
Umiyak ka na ba kailan lang? Siguro ay nararapat lang dahil ito'y makabubuti para sa ating pangangatawan.
Ilang taon na ang nakakalipas nang mamamatay ang aking lola, sa oras na iyon, di man lang pumatak ang luha ko. Subalit nang kinagabihan, habang sinusubukan ng aking ama na magbiro upang gumaan lahat ang aming mga pakiramdam dahil sa nangyari, ako'y napatawa at sa hindi malamang dahilan, ang aking halakhak ay naging pag-iyak, luha na naging dahilan upang gumaaan ang aking pakiramdam.
Hindi nakakagulat ang ganitong istorya dahil ayon sa mga eksperto, pinaniniwalang ang mga pagtawa at pag-iyak ay nagmumula sa parehong parte ng ating utak. Kung ang pagtawa ay maraming magandang maidudulot sa ating kalusugan - pinapababa ang presyon ng dugo at pinapalakas ang immune system upang maging ligtas sa sakit, natuklasan na ang pag-iyak ay ganun din. Ayon sa isang psychologist, "Ang paglalabas ng stress mula sa katawan ay may mahalagang epekto para sa emosyonal na kalusugan."
At ayon sa survey, 85% ng mga babae at 73% ng mga lalake ay naitalang naging maayos ang pakiramdam matapos umiyak. Bukod pa dito, ang pag-iyak ay dahilan din upang mapalapit ang tao sa iyong paligid. Ayon sa pag-aaral, ang taong nakakakita ng pag-iyak ay lumalambot ang puso at nagnananis na magbigay ng suporta at pakikiramay.
Ang pagpipigil ng pag-iyak at galit ay may masamang epekto sa ating katawan. May epekto ito sa pagtaas ng presyon ng dugo, sakit sa puso, at minsan ay cancer. Normal sa atin ito at ang pagpipigil nito ay maaaring makasira sa ating pisikal na pangangatawan at kalusugang emosyonal.
Ang pag-iyak ay depende sa genetics, kasarian (ang mga kababaihan ay apat na beses na mas madalas umiyak kumpara sa mga lalaki), kinalakihan, at kapaligiran. Ito’y natural at emosyonal na mahalaga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post