ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
ROSARY HILL
By Galilea on 9:01 PM
Filed Under:
Evhie Manaloto
Umaga ng July 02, mabigat at mahapdi pa ang mga mata ko pagkagising. Tamad pa akong bumangon dahil isa't-kalahating oras lang ang tulog ko. Bakit? Hindi dahil sa sobrang excited ko para sa gagawin naming activity mamaya, di lang talaga ako makatulog dahil 2 days and 12 hours straight ang tulog ko. Pagkatapos maligo at kumain nagprepare na kami para umalis. Alas diyes nang magsimula kaming umalis sakay ng isang bus. Inang ko po! Heto na naman ako at magtitiis di kasi ako nasanay na sumakay ng bus lalo na't aircon ito. Nakakaramdam ako ng antok at pinilit kong matulog kahit na saglit lang ngunit di ko rin nagawa. Wala pang isang oras nang marating namin ang Rosary Hill sa Namyang at eto na ang excitement ko.
Isang maliit na silid ang una naming nadaanan kung saan pwedeng makapagtirik ng kandila at magdasal ng taimtim kay Lord at sabihin anuman ang nais iparating sa Kanya. Pagkatapos naming magtirik ng kandila at manalangin, lumabas na rin kami dahil marami pang nkapila para magdasal.
Sa nakagiyang krus ni Kristo ang rebultong aking talagang hinangaan. Muli, dito'y umusal kami ng mga dasal at nagbigay ng iba't-ibang panalangin ang ilan sa aming mga kasamahan di lamang para sa isa kundi para na rin sa ikabubuti ng lahat. Dito rin nagsimula ang Rosary prayer palakad pataas.Sa gilid ng daan ay may big round stone na magkakasunod-sunod, papaakyat at palibot na nagfoform ng rosary. Matapos ang rosary prayer ay nag-alay kami ng panapos na awitin ang "Mariang Ina Ko." Pagkatapos ng rosary prayer ay gala time na. Kanya-kanyang grupong magkakasama kung saan man dalhin ng kanilang mga paa. Kanya-kanya rin kuhaan ng picture at syempre iba't-ibang anggulo, palakihan ng ngiti at pagandahan ng pose kahit mawala na sa poise basta may sariling diskarte. Syempre ako pa ba pahuhuli? di mababaldado ang camera ko 100% fully-charged battery nito!
Ang lahat ay medyo pagod na rin kaya nagpahinga muna kami para hintayin ang iba upang mananghalian. Sabay-sabay kaming pumunta kung saan naroon ang mga inihandang pagkain. Shares ng ilang mga kasamahan namin ang mga pagkain at talaga namang masarap ang lahat. Nang matapos kaming kumain, ay inanounce na iraraffle na ang ticket na "Remembering Fund" para sa AFC. Natapos ng masaya ang paraffle at sa huli ay si ate Wilma ang nanalo.
Hapon na at oras na ng pag-uwi, ngunit di pa dito natatapos ang araw ng linggo. Dumiretso kami sa baby's home kung saan gaganapin ang misa na pinangunahan ni Fr. Noel na puno rin ng pasasalamat sa mga taong tumulong at sumama upang maisagawa ang activity na iyon. Pagkauwi ko ng bahay ay doon ko naramdaman ang talagang pagod.
Hindi lang ang Rosary Hill ang napuntahan ko sa Korea, ngunit masasabi kong ito ang kakaiba, nakakapagod ngunit masaya. Masasabi kong ang panalangin at pakikisaya ay naging daan upang maipagpatuloy ang magandang samahan ng AFC.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post