ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
SUMMER CAMP
By Galilea on 9:00 PM
Filed Under:
Muling idinaos ang taunang Ansan Filipino Summer Camp noong nakaraang August 2006. Sa pangunguna ni Father Noel at sa tulong ng mga AFC at Korean Volunteers, nagkaroon muli ng pagkakataon ang mga migranteng manggagawa ng Ansan na makapagrelax at makapaglibang sa magandang beach ng Anmyeondo. Nakilahok ang lahat sa mga palaro at sayawan, nabusog sa mga salo-salong inihanda, at walang sawang naligo sa dagat. Animo’y nagsilbing reunion ito upang muling magkatipon-tipon ang mga kapatid natin mula s iba’t-ibang lugar.
Sa kabilang banda, nagkaroon din ng kauna-unahang Summer Camp ang Reintegration Batch I noong nakaraang July 30 at 31 sa pangunguna ni Manny Manongsong, Presidente ng nasabing grupo. Masasabing naging sulit ang mabilisang preparasyon at tatlong oras na biyahe patungong ilog ng Munkyung sapagkat ang mala-paraisong lugar na ito ang nagsilbing stress-removal ng bawat isa mula sa nakakapagod na pagtatrabaho sa araw-araw. Nagkaroon din ng simpleng kainan at masasayang mga palaro na naging palamuti sa pagdiriwang. Dagdag pa rito, ginamit na din itong pagkakataon upang makapagbigay ng mga inspirational sharings at makilala ang bawat isa.
Ang bakasyon sa dagat ng Anmyeondo at ilog ng Munkyong ay parehong naging mapayapa at kasiya-siya. Dalawang lugar subalit iisa ang minimithing layunin, ang makapagpasaya ng bawat isa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post