ANSAN FILIPINO COMMUNITY IN SOUTH KOREA
TIME,TALENT AND TREASURE

By Galilea on 9:00 PM

Filed Under:

Rebeck P. Beltran

Maraming naglilingkod at maraming nais maglingkod sa Diyos. Ang tanong ng ilan; karapat-dapat ba sila para maglingkod? Maaaring hindi o kaya nama’y oo. Bakit? Dahil ang tao’y makasalanan at lahat tayo ay patuloy na nagkakasala. At patuloy pa ring nakakagawa ng di naaayon sa kalooban ng Diyos.
Subalit ang Diyos ay patuloy na tumatawag at kumakatok sa ating mga puso upang tayo ay maglingkod sa Kanya. Maging manggawa sa kanyang ubasan o maging taga-pangalat ng mabuting Balita ng Kaligtasan.
Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang katangian na ipinagkaloob ng Diyos. Bakit hindi natin ito gamitin at ibahagi? Mayroon ang bawat isa ng Time, Talent, and Treasure. Lahat tayo ay mayroon nito, pagbabalik din ito ng papuri at pasasalamat sa Diyos.



TIME: 24-oras isang araw; sikapin nating magbigay at maglaan ng kahit konting oras para sa Diyos. Paggising sa umaga ugaliin nating magpasalamat sapagkat binigyan tayo muli ng pagkakataong makita, madama ang kanyang mga biyaya at ang kagandahan ng buhay. Bawat gabi, marami ang natutulog subalit hindi na nagigising. Bago tayo matulog, magpasalamat tayo s Diyos, sa paglalayo Niya sa bawat isa sa kapahamakan, sa maghapong pagtatrabaho, sa gabay at patnubay Niya sa ating mga pamilya. At sa lahat ng mga biyayang ating natanggap.

Prayer time: Kailangan magkaroon tayo nito sapagkat ito ay libreng komunikasyon natin sa Diyos. Ito rin aang pagkakataon upang mabigyn din natin ang Diyos para marinig ang kanyang mensahe.



TALENT: Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang katangian at kakayahan. Tayo na mismo ang nakakaalam sa ating mga sarili kung ano ang mayroon tayo. Sa pagkanta, pagbabahagi ng salita ng Diyos, o kung anuman ang pwede nating itulong sa ating kapwa sa ating komunidad. At kung lolobin ng Diyos na mangaral tayo ng Mabuting Balita gawin natin ito ayon sa kanyang kalooban.



TREASURE: Kailangan ng ating simbahan ng halaga upang maipagpatuloy ang pagpapalaganap ng Salita ng Diyos. Halaga upang matulungan ang ating mga kababayan na nasa iba’t-ibang sitwasyon na nangangailangan ng tulong pinansyal. Magbahagi tayo mula sa halaga ng ating kita ayon sa ating kalooban. Dati ay 10% ng ating kita subalit ng dumating ang Panginoong Hesus ginawa na itong Love %.

Bawat isa sa atin ay mayroon 3T’s: Time, Talent, and Treasure. Pagnilayan nating mabuti at ganapin kung ano ang mayroon tayo. Ang mga bigay sa atin ng Diyos at kung anuman ang mayroon tayo ay dapat lang na ibalik natin sa Kanya. Ito ay bilang papuri at pasasalamat sa mga kakayahang nagmula sa kanya. Huwag nating itago pagkat tulad ng isang bagay na kapag hindi nagamit, ito’y naluluma at nawawala ‘pag di inilabas at ginamit sa takdang panahon. Tulad ng boses, paano ka pa aawit kung wala ka nang boses? O kaya’y paano mo iaabot ang iyong mga kamay kung wala na ang mga ito?

Kaya kapatid gamitin ang iyong 3Ts: Time, Talent, and Treasure.

0 comments for this post